Wednesday, April 11, 2012

Akting ni Dingdong sa My Beloved waging-wagi!

Hindi naman pala ang mga makakatambal ng kanyang boyfriend na si Dingdong Dantes ang dapat na katakutan ni Marian Rivera kundi maging ang mas maliliit na mga artista na maaring umagaw ng limelight sa kanya. Tulad na lamang nitong si Jennica Garcia na nahuli ko isang gabi makaraan ang Semana Santa, sa episode ng My Beloved kahapon, Abril 10 na nagbigay ng isang maganda at napakagandang portrayal ng kanyang role bilang kapatid ni Marian.

Matagal nawala sa limelight at hindi nabigyan ng proyekto ang panganay ni Jean Garcia pero sa halip na kalawangin ang talento sa pag-arte ay parang mas gumaling pa siya.

Isa pa ring rebelasyon sa serye si Dingdong Dantes na pagkatapos ng kanyang anti-hero role sa Segunda Mano ay parang nire-require na ang kanyang sarili na magbigay pa ng higit sa makakaya niya. At wagi siya sa kanyang pagganap bilang Benjie sa pinagsasamahan nilang serye ni Marian.

-PSN

Jessica Sanchez reclaims top spot on 'Idol' ranking!s!

Filipino-Mexican-American contestant Jessica Sanchez has reclaimed the top spot on the “American Idol” rankings of a popular US magazine on Wednesday.

In its Top 7 Power Rankings published on its website, Entertainment Weekly magazine placed Sanchez at No. 1 after she slipped to No. 2 last week.

The article said Sanchez seems to be really determined to win the competition. “I THINK THIS GIRL WANTS IT TOO, RYAN!” it said in all caps.

Sanchez performed "How Will I Know" during the '80s week on “Idol.” This is the second time Sanchez picked a Whitney Houston song. She earlier sang her hit, "I Will Always Love You," which earned her a standing ovation.

Although she didn't get the judges up from their seats this time around, Sanchez still received positive comments for "How Will I Know."

She, however, earned another standing ovation from “Idol” judges with her duet with fellow contestant Joshua Ledet.

They performed "I Knew You Were Waiting For Me," originally sung by Queen of Soul Aretha Franklin and George Michael.

Meanwhile, at Entertainment Weekly’s No. 2 is Colton Dixon, who made a big leap from No. 5 last week.

Placing third is Ledet, who also went up from No. 4 last week. Skylar Laine was at No. 4 while Phillip Phillips, who previously held the top rank slipped to No. 5. He was followed by Elise Testone and Hollie Cavanagh, who is at the bottom.

For this week, the “Idol” contestants will perform songs from this decade – 2010, 2011 and 2012 -- with mentor Akon.

According to Entertainment Weekly, this should be a chance for Sanchez to “connect” on a current song of which she is "a legitimate fan."

-abscbnnews

After PBB, Joseph Emil Biggel wants to become a cop!

“Pinoy Big Brother Unlimited” (PBB) third placer Joseph Biggel is intent on finishing his criminology studies in the hopes of becoming a policeman someday.

On Day 151 of PBB, Biggel received a scholarship from the Philippine College of Criminology after he and his housemates accomplished a weekly task inside the Big Brother house.

While showbiz beckons, Biggel said he will prioritize his studies, but will not close doors to acting.

“Kaya ko naman po pagsabayin ang pag-aaral at showbiz. Kakayanin ko po,” he said on Wednesday during a press conference for the PBB Unlimited’s Big 4.

Biggel shared his great respect for policemen, saying he was inspired by them to tackle the challenges head on inside the famous house.

“Idol ko po talaga ang mga pulis. Ang taas po ng tingin ko sa kanila. Sila po ‘yung naging inspirasyon sa mga hamon ni Kuya (Big Brother), na kailangan ko maging matatag kasi magiging pulis ako, kasi 'pag pulis ka dapat matatag ka,” Biggel said.

On why he idolizes policemen, Biggel said that though there are ethically questionable officers, there are a great number who would sacrifice their life for the benefit of others.

“May mga pulis naman po na alam ko po sa puso ko na matitino, na handa ibuwis ang kanilang buhay para sa ating bayan – ‘yun po yung rason kung bakit iniidolo ko sila,” he said. “Kahit mabaril, kahit anumang oras, basta importante mapanatili pong mapayapa ang paligid.”

Aside from him accomplishments inside the PBB house, Biggel is intent on accomplishing a far larger “task.”

“[Gusto ko makapagtapos] para po balang araw ay may maipagmalaki rin po ako sa sarili ko, na ako si Biggel – pulis na may pinag-aralan, may nakamit sa buhay, nakapagtapos.”

-abscbnnews

Tuesday, April 10, 2012

Katrina ibinalandra na ang picture ng mala-pakwan na tiyan!

Hindi napigil si Direk Dominic Zapata sa pagkukuwento sa mga mangyayari sa My Beloved gaya nang tatalon ang istorya nito after seven years, may mga bagong karakter na papasok, may muling mamamatay, at may manganganak.

Sa week nine na mangyayari ang mga malalaking pagbabago sa My Beloved at kulang pa ang nasulat namin sa itaas. May magnanakaw na mahuhuli ng CCTV camera at kung anu-ano pa.

Kinausap na rin ni Direk Dom si Katrina Halili at na-assure ng aktres na hangga’t kailangan siya at hangga’t kaya ay patuloy siyang magti-taping ng My Beloved. Ibig sabihin, hindi totoo ang balitang nag-resign ito. Ang tsismis talaga! Ang ganda nang mangyayari sa karakter niyang si Emmie sa mga susunod na episodes.

Speaking of Katrina, pinoste nito ang picture niya sa Twitter na ipinakita ang laki ng tiyan sa 16 weeks na pagbubuntis. May nag-comment agad na babae ang ipinagbu-buntis nito dahil mala-watermelon ang paglaki ng tiyan, bukod pa sa ang ganda-ganda niyang buntis.

-PSN

Sharon Cuneta walang pakialam sa mga nagmamalasakit sa kanya!

Bakit kaya ayaw iwan o isara ni Sharon Cuneta ang kanyang Twitter account eh obvious na talung-talo siya sa nagaganap na sagutan nila ng mga hindi niya kilalang tao?

Talung-talo ang isang may breeding sa walang habas magsalita ng hindi magaganda tungkol sa kanya sa pamamagitan ng Internet. Napipintasan pa siya sa sinasabi nilang pagbibintang niya sa mga taong tulad ng ex-boyfriend ng kanyang anak na patuloy namang nananahimik. Dahil dito, tama man siya o mali, siya ang nagdadala ng bigat ng sitwasyon.

Pakinggan mo ang mga nagmamalasakit sa iyo, Shawie. Walang kabutihang maidudulot sa iyo ang pagsagot sa mga bumabatikos sa Twitter. Pinagkakatuwaan ka lang nila. Paano naman, hindi sila kilala kaya hindi sila naapektuhan. Hindi tulad mo na kilala na’t may pangalan.


-PSN

ABS-CBN panalo sa national at primetime TV ratings!

Kasing-init ng summer ang pagtanggap ng mga Pilipino sa ABS-CBN sa kani-kanilang mga tahanan matapos manguna ang Kapamilya Network sa national TV ratings noong Marso at patuloy na namamayagpag sa primetime, kabilang na sa Mega at Metro Manila.

Base sa pinakahuling datos ng pinagkakatiwalaang Kantar Media na kilala sa pananaliksik sa manonood ng TV sa iba’t ibang bansa, mas mara­ming Pilipino ang nakatutok sa ABS-CBN buong araw sa averageaudience share na 36% na mas mataas sa GMA na may 34%.

Pinakamaraming nanonood sa Dos tuwing prime­­time (6 p.m. – 12 m.n.) matapos itong magtamo ng national primetime audience share na 44% o 15 puntos ang lamang sa primetime block ng GMA. Lalo pang lumalakas ang pagtangkilik ng publiko sa Primetime Bida dahil tumaas ang audience share nito mula 41.4% noong Pebrero.

Maging sa sinasabing balwarte ng kalabang network na Mega at Metro Manila ay panalo ang ABS-CBN pagdating sa primetime lalo pa’t sa oras na ito mas maraming nanonood ng telebisyon at mas maraming advertisers ang naglalagay ng kanilang patalastas. Nakapagtala ang ABS-CBN na 36% audience share kontra 34% ng GMA sa Mega Manila habang 38% naman ang audience share nito sa Metro Manila kumpara sa 32% ng GMA.

Sa lahat ng programa sa primetime, Walang Hanggan ang pinaka-namama­yagpag sa buong bansa sa national TV rating na 35.2% kumpara sa kalabang My Beloved na may 16%. Maging sa Mega Manila at Metro Manila, pinaka-pinapanood ang serye nina Coco Martin at Julis Montes sa rating na 29.3% vs 20.2% sa Mega at 31.5% vs 19% naman sa Metro.

Nananatili ring numero uno ang ABS-CBN sa iba pang rehiyon sa bansa kabilang na ang Balance Luzon kung saan wagi ito sa audience share na 39% laban sa 35% ng GMA; sa Visayas na may 48% audien­ce share kontra 23%; at sa Mindanao kung saan nanlamon ang ABS-CBN sa audience share na 54% laban sa 16% lang ng Kapuso.

Iniulat din ng Kantar Me­­dia na siyam sa Top 10 na pinaka-pinapanood na prog­rama sa bansa ay mula sa ABS-CBN habang nakuha naman ng isang blocktimer na nagpapalabas ng kanilang prog­rama sa GMA ang ika-sampung puwesto.

Wala pa ring makatalo sa nangungunang te­­­le­­serye sa bansa na Walang Hanggan sa ave­­rage national TV rating na 35.2%. Sinundan naman ito ng iba pang Primetime Bida soaps na Budoy (29%), E-Boy(28.9%), at Dahil sa Pag-ibig (27.8%).


Nangunguna naman ang MMK (28%) pagsapit ng weekend na sinusundan ngWansapanataym (23.8%), habang nananatiling numero unong newscast angTV Patrol sa average national TV rating na 25.2%. Pagdating naman sa cur­rent affairs programs, Rated K ang nangunguna sa rating na 22.4%.

Ang bagong programa ni Sarah Geronimo na Sarah G. Live ay agad na pumasok sa ika-siyam na puwesto sa average national TV rating na 21.4%.

Patuloy namang lumalakas ang late afternoon block (3PM to 6 PM) ng ABS-CBN matapos tumaas ang average national audience share nito mula 29.1% noong Enero 2012 hangagng 34% noong nakaraang Marso 2012.

Maging sa radyo ay nanguna ang AM station ng ABS-CBN noong Pebrero sa Mega Manila sa audience share na 42.1%, mas mataas ng 14.4 putos kaysa sa 27.7% ng DZBB ng GMA base sa datos ng Nielsen Mega Manila RAM.

Kasalukuyang naka-subscribe sa ratings services ng Kantar Media, isang multinational market re­search group na nagsasagawa ng audience measurement surveys sa mahigit 80 bansa, ang 22 TV networks, ad agencies, at pan-regional net­works.

Kabilang sa mga subscribers nito ang ABS-CBN, NBN, Sky Cable, J. Romero and Associates, Ad­formatix, Starcom, OMD, PhD, Mediacom, Mind­share, MEC, Maxus, Universal McCann, at Wellmade Manufacturing Corporation.

Naka-subscribe rin sa kanila ang pan-regional net­works tulad ng CSM Media Inc., Fox Internatio­nal Channels, Star HK, Discovery, AXN, HBO, MTV, at Sony Pictures Television International.

-PSN

Shamcey Supsup ’di type ang magarbong kasalan!

Hanggang maaari ay gustong gawing pribado ni Shamcey Supsup ang kanyang buhay pag-ibig. Gusto kasing pangalagaan ng beauty queen ang kanilang relasyon ng businessman na si Lloyd Lee.

“I feel it’s something I can keep for myself. ’Yun na lang ang natitira na masasabi kong akin na lang, ’yung ganun. It’s usually hard for me being a public figure kasi I have a lot of friends, I’m really friendly, but then nung ang daming nakakakilala, ang daming nakakaalam, I felt I had to protect him,” pagtatapat ni Shamcey.

Aminado rin ang beauty queen na si Lloyd ang kauna-unahan niyang naging boyfriend.

“It was like the right timing that he came into my life. Siguro I really prayed for him, kumbaga specific ako sa prayer ko. I had my life planned out. I thought sa dreams ko lang, sa fantasy ko lang, parang I never thought na mangyayari,” nakangiting paglalahad pa ni Shamcey.

Hindi rin inaasahan ng dalaga na bibigyan siya ng espesyal na singsing ni Lloyd kamakailan.

“As in biglaan lang. supposedly he would have given me that after a date, after three days, four days, so parang ’di siya makapaghintay. Parang out of nowhere lang sabi niya, ‘This is for you.’ Hindi ko naman in-expect na agad-agad. We were just talking about it. So, akala ko ’di pa siya nakakabili, ’yun pala matagal na pala siyang nakabili,” natatawang kuwento pa ng beauty queen.


Hindi rin naghahangad ng magarbong kasal si Shamcey kung sakaling magpaplano na sila ni Lloyd na lumagay sa tahimik.

-PSN
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...