Base sa pinakahuling datos ng pinagkakatiwalaang Kantar Media na kilala sa pananaliksik sa manonood ng TV sa iba’t ibang bansa, mas maraming Pilipino ang nakatutok sa ABS-CBN buong araw sa averageaudience share na 36% na mas mataas sa GMA na may 34%.
Pinakamaraming nanonood sa Dos tuwing primetime (6 p.m. – 12 m.n.) matapos itong magtamo ng national primetime audience share na 44% o 15 puntos ang lamang sa primetime block ng GMA. Lalo pang lumalakas ang pagtangkilik ng publiko sa Primetime Bida dahil tumaas ang audience share nito mula 41.4% noong Pebrero.
Maging sa sinasabing balwarte ng kalabang network na Mega at Metro Manila ay panalo ang ABS-CBN pagdating sa primetime lalo pa’t sa oras na ito mas maraming nanonood ng telebisyon at mas maraming advertisers ang naglalagay ng kanilang patalastas. Nakapagtala ang ABS-CBN na 36% audience share kontra 34% ng GMA sa Mega Manila habang 38% naman ang audience share nito sa Metro Manila kumpara sa 32% ng GMA.
Sa lahat ng programa sa primetime, Walang Hanggan ang pinaka-namamayagpag sa buong bansa sa national TV rating na 35.2% kumpara sa kalabang My Beloved na may 16%. Maging sa Mega Manila at Metro Manila, pinaka-pinapanood ang serye nina Coco Martin at Julis Montes sa rating na 29.3% vs 20.2% sa Mega at 31.5% vs 19% naman sa Metro.
Nananatili ring numero uno ang ABS-CBN sa iba pang rehiyon sa bansa kabilang na ang Balance Luzon kung saan wagi ito sa audience share na 39% laban sa 35% ng GMA; sa Visayas na may 48% audience share kontra 23%; at sa Mindanao kung saan nanlamon ang ABS-CBN sa audience share na 54% laban sa 16% lang ng Kapuso.
Iniulat din ng Kantar Media na siyam sa Top 10 na pinaka-pinapanood na programa sa bansa ay mula sa ABS-CBN habang nakuha naman ng isang blocktimer na nagpapalabas ng kanilang programa sa GMA ang ika-sampung puwesto.
Wala pa ring makatalo sa nangungunang teleserye sa bansa na Walang Hanggan sa average national TV rating na 35.2%. Sinundan naman ito ng iba pang Primetime Bida soaps na Budoy (29%), E-Boy(28.9%), at Dahil sa Pag-ibig (27.8%).
Nangunguna naman ang MMK (28%) pagsapit ng weekend na sinusundan ngWansapanataym (23.8%), habang nananatiling numero unong newscast angTV Patrol sa average national TV rating na 25.2%. Pagdating naman sa current affairs programs, Rated K ang nangunguna sa rating na 22.4%.
Ang bagong programa ni Sarah Geronimo na Sarah G. Live ay agad na pumasok sa ika-siyam na puwesto sa average national TV rating na 21.4%.
Patuloy namang lumalakas ang late afternoon block (3PM to 6 PM) ng ABS-CBN matapos tumaas ang average national audience share nito mula 29.1% noong Enero 2012 hangagng 34% noong nakaraang Marso 2012.
Maging sa radyo ay nanguna ang AM station ng ABS-CBN noong Pebrero sa Mega Manila sa audience share na 42.1%, mas mataas ng 14.4 putos kaysa sa 27.7% ng DZBB ng GMA base sa datos ng Nielsen Mega Manila RAM.
Kasalukuyang naka-subscribe sa ratings services ng Kantar Media, isang multinational market research group na nagsasagawa ng audience measurement surveys sa mahigit 80 bansa, ang 22 TV networks, ad agencies, at pan-regional networks.
Kabilang sa mga subscribers nito ang ABS-CBN, NBN, Sky Cable, J. Romero and Associates, Adformatix, Starcom, OMD, PhD, Mediacom, Mindshare, MEC, Maxus, Universal McCann, at Wellmade Manufacturing Corporation.
Naka-subscribe rin sa kanila ang pan-regional networks tulad ng CSM Media Inc., Fox International Channels, Star HK, Discovery, AXN, HBO, MTV, at Sony Pictures Television International.
-PSN
No comments:
Post a Comment