Showing posts with label Blind Item. Show all posts
Showing posts with label Blind Item. Show all posts

Saturday, March 3, 2012

Matapos ibasura ang tumulong na manager, young actor ayaw nang kausapin ng marami!

Iniiwasang interbyuhin ng mga press ang isang young actor (YA) bilang pakikisimpatiya sa ex-ma­nager nito na biglang iniwan nang gumanda ang takbo ng career. Ang masakit pa, hindi na kinausap ni YA ang manager para ipaalam na iiwan na niya ito. Sinulatan na lang ang manager ng kampo ni YA para ipa­alam na aalis na sa management niya si YA at sila na ang magma-manage sa career nito.

Wala nang nagawa ang manager kundi tanggapin na pagkatapos niyang hanapan ng TV shows at endorsements si YA, iiwan siya nito. Hindi na siya naghabol at pinabayaang lumipad si YA.

Mabait lang ang manager dahil hindi nag-ingay at sa iilang kaibigan sa press lang inilabas ang sama ng loob sa ginawa sa kanya ni YA. Nakiusap din ito sa press na ‘wag na lang siraan si YA, ang ginawa ng press, hindi na lang ini-interview si YA.

Tuesday, February 28, 2012

Kontrobersiyal na TV personality lumabas din na uhaw sa exposure!


Iritable sa isang controversial personality ang staff ng isang talk show dahil kiyeme-kiyeme na ayaw niya na magpainterbyu tungkol sa isyu na kan­­­yang kinasasangkutan pero all over siya sa mga showbiz talk shows.

Lumabas din ang ka­totohanan na uhaw din sa exposure ang nagpapa­kontrobersiyal na perso­na­lity na nuknukan ng ar­te.

Sinadya ko na huwag sabihin ang kanyang name dahil ayokong magpagamit sa mga drama niya.

Hindi ko bibigyan ng ka­tuparan ang ilusyon ni­ya na maging part ng showbiz dahil katsipan ang kanyang mga diskarte.

Lolit Solis | Pilipino Star Ngayon

Monday, February 20, 2012

Wala sa hitsura dahil gym buff, sikat na aktor parang mauubusan ng hininga kapag inaatake ng hika

Ako ang nag-worry sa kalusugan ng isang sikat na aktor dahil nakakaloka kapag sinusumpong siya ng hika.

Hirap na hirap magsalita ang aktor at parang nauubusan siya ng hininga sa tuwing umaatake ang kanyang karamdaman.

Walang-wala sa physical appearance ng aktor na may asthma siya dahil maganda ang kanyang pangangatawan. Regular din ang pagpunta niya sa gym para mag-exercise pero sinusumpong pa rin siya ng kanyang sakit.

Pilipino Star Ngayon | Lolit Solis 
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...