Monday, February 27, 2012

Al Galang admits he wrote a love letter for Dr. Vicki Belo!

Kahapon ay nagpaunlak ng panayam sa The Buzz si Al Galang, ang yoga instructor ni Dr.Vicki Belo na iniuugnay ngayon sa kanya. Sinagot naman lahat ng kontrobersyal na former model ang mga intriga ipinupukol sa kanya.

Unang itinanong kay Al ay ang isyu kung may relasyon ba sila ni Vicki matapos sabihin ng dating boyfriend ng doktora na si Hayden Kho na hindi siya dapat ang kinukuwestyon pagdating sa katapatan. Nauna kasing inakusahan ni Dr. Vicki si Hayden ng infidelity nang sabihin niya sa kanyang Twitter account na nagdi-date umano sina Hayden at Nancy Castiglione. Inilabas din ni Hayden sa kanyang Twitter ang link kung saan may scan ng love-letter diumano ni Al kay Vicki. “Vicki and I do not have a romantic relationship, I’d like to clarify that. We’re both single, I’m single, she’s probably single, there really is no relationship right now,” ani Al.

Mabilis namang umamin si Al na talagang may pagtingin siya sa doktora. “Of course. You can’t help but feel intrigued or attracted to someone as attractive as funny and smart (as Vicki).” Tinanong Si Al ng The Buzz host na si Boy Abunda kung interesado ba siyang ligawan si Vicki pero sabi nito wala pa naman daw sa puntong nililigawan na niya si Vicki. “Because she’s single and not ready to mingle,” paliwanag pa ni Al. At sa tanong kung gugustuhin ba niyang ligawan, sabi ni Al ay ‘complete package’ naman daw si Vicki. “I sure could. She’s the kind of girl I would like. Again, she’s a complete package of anything.”

Sinagot din ng yoga instructor ang isyung ginagamit lang daw niya si Vicki para sumikat at magkaroon ng pagkakataon upang mapasok ang showbiz. “That would be a stupid gimmick because I have no interest of joining showbiz,” sagot niya. “Maybe the time before (I entertained the idea). I wanted to be somewhere (so) I did radio, I did modeling. But that was five, six years ago, and the idea was nice and I realized ang daming talentedna tao sa Pilipinas. Everybody is so beautiful…the actors, they’re so talented. Everybody can sing, I can’t even speak Tagalog. I let showbiz go and do what I do. I love what I do, I make software, I teach yoga, I have a studio.”

Alam din daw ni Vicki ang paglabas niya sa The Buzz dahil kinonsulta muna raw niya ito bago siya umoo sa paanyaya ng programa. “I asked her before in passing, ‘Are you (comfy) talking about this because everybody’s bothering you,’ and she’s cool with it.”

Hindi rin daw siya nabagabag nang isangkot siya ni Hayden sa issue. Aniya pa, nauunawaan daw niya ang reaksyon ni Hayden na idamay siya sa isyu dahil sa pinagdadaanan nito na siya namang nagbunsod ng pagkalat ng isyu. Nagkakilala na raw sila noon ni Hayden at sa katunayan ay nagkapalitan pa ng cellphone numbers.

Inako rin ni Al na sinulat niya ang “love-letter” para kay Vicki. Subalit pagtatanggol niya, “I did write that. It’s sort of a fun, kind of crush letter thing. Back then, we had some flirting going on. No malice, walang tension and it just kinda faded there.” Tinawag rin niyang harmless flirting ang ginawa niyang liham para kay Vicki.

Nang magkomento si Boy na kung babasahin niya ang liham ay serious flirting ito, ang sagot naman dito ni Al, “I guess sometimes I can be kinda a flirt, but really nothing serious.” Dagdag pa niya, hindi raw sinuklian ni Vicki ang pagpi-flirt niya pero naging mabuting kaibigan sa kanya ang doktora at consistent ito. “We’re good. I’m a friend and I got her back and she knows that,” paglalarawan pa ni Al sa pagkakaibigan nila ni Vicki.

Sa ngayon supportive si Al sa pinagdadaanan ni Vicki at pinaparating niya rito na handa siyang making kung kakailanganin niya ito. Ang gusto muna niya ngayon para sa doktora ay makapag-move on. Naniniwala rin daw siya na tapos na ang relasyon nina Vicki at Hayden. Ang makahulugan pa niyang pahayag hinggil kay Vicki, “I think she’d be better off as an independent woman.”

-push

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...