Friday, March 9, 2012

Akting ni Iza Calzado masusubukan na sa MMK!

Sa wakas, masusubok din ng ABS-CBN ang kakayahan ng bago nilang recruit na si Iza Calzado sa pagsalang nito sa kanyang kauna-unahang ac­ting assignment sa Maalaala Mo Kaya.

Sa simula pa lamang ng kanyang trabaho sa MMK ay nagkaroon agad ng agam-agam si Iza na baka magka-problema siya sa gaganap na kapareha niya sa episode na si Zanjoe Marudo. Inisip niyang baka ma-threaten sa kanya ang girlfriend nitong si Bea Alonzo. Pero wala palang basehan ang kanyang pag-aalala dahil pare-pareho silang mga propesyonal na ang la­yunin ay mapagbuti lang at mapaganda ang kanilang trabaho. Lalo na siya na talagang kailangang mapabilib ang mga kasama niya sa trabaho.

Bukod kay Zanjoe, kasama rin ni Iza sa kanyang MMK episode sina Rica Peralejo, Lassy, Minnie Aguilar at Deborah Sun. Ito ay sinulat ni Maan Dimaculangan-Fampulme at idinirek ni Nuel Naval.

-PSN

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...