Two months later, si Robert ay pinalitan ng yumaong veteran TV and radio broadcaster na si Frankie Evangelista.
In 1995, pumasok si Ted Failon bilang kapalit ni Ka Frankie and two years later, pumasok naman siKorina Sanchez bilang kapalit ni Mel na lumipat naman ng GMA 7.
Nang mawala si Angelique sa programa, siya’y pinalitan ni Tintin Bersola-Babao. In 2001, parehong nawala sa TV Patrol sina Kabayan Noli at Ted na kapwa pumasok sa pulitika – si Kabayan sa pagka-senador at si Ted naman sa pagka-kongresista (representing 1st district of Leyte) at kapwa nanalo. Si Kabayan ay tumuloy sa pagka-pangalawang pangulo at si Ted naman ay bumalik sa TV and radiobroadcast after one term sa pagka-kongresista.
Nang matapos naman ang six-year term ni Kabayan Noli sa pagka-vice president, binalikan din nito ang kanyang unang pag-ibig, ang radio ang TV broadcast, binalikan niya ang kanyang radio program saDZMM at ang TV Patrol.
Sa loob ng 25 years, maraming mga pagbabago ang TV Patrol na naging bahagi na ng bawat Filipino tuwing sumasapit ang ika-6:30 ng gabi.
-PSN
No comments:
Post a Comment