Friday, March 9, 2012

Charice sports new hair and tattoo!

Sinorpresa ni Charice ang kanyang mga fan sa muli niyang pagbalik sa bansa para sa kanyang "Infinity Tour" na gagawin mamayang gabi sa Araneta Coliseum. Bukod sa maikli at blonde niyang buhok, isang bagong tattoo ang ipinakita ni Charice sa kanyang pag-uwi sa bansa.


Ayon kay Charice, pag-ibig para sa kanyang pamilya at sa lahat ng mga taong nagmamahal sa kanya ang ibig sabihin ng kanyang tattoo na "Love Eternally." "The tattoo says 'love eternally' and it has an infinity sign. It's for my love for people, for my fans and for my family, for everybody. So, every time I do something I always have reason," ani Charice nang maitanong ito sa press conference nitong Huwebes ng gabi. Ani Charice, sa Singapore siya nagpagawa ng tattoo na may basbas naman ng kanyang ina.

Dahil na din sa bagong itsura at bagong tattoo inunahan na ni Charice ang isyung kumikuwestiyon ngayon sa kanyang kasarian. "Whatever they think maybe if I look somebody or whoever I don't mind. I mean this is the look that I want. So, the only thing you can do is to move on....For me, just love me, I'm a person and if you think I'm a boy or a girl or if I look like a boy, then fine," ani Charice.

Maliban sa concert ay naghahanda din si Charice sa kanyang pagbabalik sa ABS-CBN bilang hurado ng "X-Factor Philippines."

-push

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...