Wednesday, February 1, 2012
Bianca King hindi muna itutuloy ang pag-aaral sa Amerika!
Best graduation gift kay Bianca King na ga-graduate sa February 11, ang Broken Vow na pilot sa February 6.
Dahil sa graduation, uuwi ang mommy niya sa Feb. 10, para dumalo at sa tanong kung invited ang BF niyang si Dennis Trillo, “I think my mom invited him,” ang sagot ng aktres.
Ayon kay Bianca, mas mahirap ang role niya sa Broken Vow kesa Sinner or Saint at parang workshop lang niya ang SOS. Parang totoo raw siyang na-trauma sa rape scene niya dahil physically and emotionally draining, pero fulfilling.
“Thankful ako sa GMA 7, after eight years of playing kontrabida and supporting roles, binigyan nila ako ng lead role. I’m humbled at ang ganda pa ng timing dahil graduation ko nga. Great graduation gift ito from God at ready na ako.”
Bukod sa Broken Vow, tampok din si Bianca King sa Spooky Nights with TJ Trinidad, kaya nadoble ang saya.
Dahil sa sunud-sunod na projects, on hold ang planong pag-aaral ni Bianca sa States. “Six years of school is enough muna,” sabi nito.
ABOUT SHOWBIZ Ni Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon)
Labels:
Kapuso Scoop
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment