NAKATSIKAHAN naming kamakailan sa ELJ Communications Center Bldg. ng ABS-CBN si Rondel Lindayag, ang creative head ng Budoy at nalaman namin ang ending ng nasabing hit teleserye. Talagang babaha ng luha ang mga manonood.
“Dapat abangan ng lahat kung ano’ng idudulot na pagdurusa ng tumor na tumubo sa utak ni Budoy. Basta sa ending, magiging mas masaya na si Budoy.”
Naikuwento rin ni Rondel na ang inspirasyon ng pagkakabuo ng kuwento ni Budoy ay idea pala ni Ms Charo Santos-Concio.
“Actually, nun’g binuo ang kuwento, hindi sinabi ni Ma’am Charo na ‘gumawa kayo ng Budoy.’ Ang sinabi niya lang, ‘gusto ko ng show na magta-tackle sa education. Gusto ko ng show na mag-eenganyo sa mga bata na mag-aral.”
Sa research daw kasi nila, ang mga bata raw sa public schools ngayon ay mas pinipili nang magtrabaho kaysa mag-aral para makatulong na agad sa pamilya. Dito raw pumapasok ang mensaheng gustong iparating ni Budoy.
“Simple lang ang message ng Budoy, mag-aral ka! Kaya masayang-masaya kami nang nalaman naming na maraming nakakapanood dahil kahit papaano natutupad ang goal naming i-promote ang education,” paliwanag ni Rondel.
In fairness, may epekto nga ang teleserye sa viewers. Dahil sa uniqueness ng Budoy, nahuhook ang publiko sa mga eksena at napapaisip at nakukumbinsi sila na ‘dreams do come true’ kung tututukan lang ito at pagpupunyagian.
Great motivation for kids pala na tinatamad nang mag-aral ang misyon ng Budoy show. Sana ay maging simula ang Budoy ng iba pang primetime show na subliminal ang hatid na inspirasyon sa mga manonood, lalo na sa kabataan.
Sa latest national TV ratings data ng Kantar Media, humataw ang Budoy sa 29.3%, taob ang katapat na Legacy ng GMA (16.8%).
Posted by Online Balita
No comments:
Post a Comment