Sunday, January 29, 2012

John Lloyd Cruz, totally nude sa bed scene with Angel Locsin!



MAY meeting kami sa Grams Diner nu’ng Biyernes ng gabi nang madaanan kami ni Direk Cathy Molina na tsinetsek ang gazebo sa ELJ garden para sa shooting ng Unofficially Yours nina John Lloyd Cruz at Angel Locsin na ipalalabas na sa Pebrero 15.

Nakiupo muna si Direk Cathy sa amin nina Katotong Julie Bonifacio at Pilar Mateo habang hinihintay matapos ang set-up at bahagyang nagkuwento tungkol sa pelikula na punumpuno raw ng bed at kissing scenes.
Akala namin ay nagbibiro lang siya, dahil paano niya napapayag sina Angel at Lloydie?

“Eh, kailangan sa istorya, eh. Saka hindi naman basta bed scenes lang, alam naman nina Lloydie at Angel na kailangan, eh, okay naman sa kanila,” paliwanag ni direk Cathy.

Ang nakakalokang kuwento ay totally nude raw si John Lloyd sa bed scene dahil hindi raw pumayag ang aktor na maglagay ng plaster. Tanong namin kay Direk Cathy: Ano ito, bold movie?

“Hindi, sexy lang,” natawang sagot niya. “Kukunan kasi siyempre ng bed scenes, eh, ayaw namang mag-plaster ni Lloydie at masakit daw, so totally wala na lang.
“Actually, wala rin naman nakita kasi bago naman mag-take, nakatakip siya, ‘tapos ‘pag take na, saka lang tatanggalin ni John Lloyd ‘yung kumot,” kuwento pa sa amin.

At siyempre, itinanong namin kaagad kung ano naman ang suot ni Angel.
“Ay, alaga si Angel dito, naka-bra at panty, may takip, siyempre. Bilib nga ako kasi walang kiyeme si Angel, talagang sumusunod,” kuwento sa amin.
Paano niya napapayag si Angel na magpakita ng flesh kay Lloydie?
“Siguro nakita ni Angel na alaga siya at saka si John Lloyd, kapag hindi pa take, hindi siya tumitingin, nakatalikod maski na nag-uusap sila, so hindi nagte-take advantage si John Lloyd.

“’Tapos ‘pag take na, doon pa lang titingin si John Lloyd, siyempre, wala naman siyang choice na, at maalaga siya (Lloydie) siya talaga sa leading lady niya,” kuwento ni Direk Cathy.

Romantic-comedy ang Unofficially Yours at parehong reporter ang role nina John Lloyd at Angel sa Manila Bulletin (mag-shooting uli sila dito kahapon) na nagkagustuhan, pero hindi type ng aktres ang commitment bagay na ikinataka naman ng aktor dahil hindi sanay sa ganu’n set-up.

Mas prayoridad daw kasi ng aktres ang pamilya niya kaysa sa pakikipag-boyfriend, kaya naging “unofficially yours”.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...