Sino ang magiging special guest ni Aljur Abrenica sa kanyang birthday/anniversary na gagawin niya sa kanyang resort?
Will it be Kylie Padilla, Rhian Ramos o Kris Bernal ang magsisilbing special guest?
Bagaman at sinasabing hiwalay na sila ng anak ni Robin Padilla, hindi naman nagbabago ang pagkakaibigan ng dalawa. Hindi man sila nagti-text o nagkikita, nananatiling matatag ang kanilang pagkakaibigan.
Kung meron mang naaapektuhan ng pagtawag ni Binoe ng “bubuyog” kay Aljur, hindi ang aktor. Mas appreciated nga niya ang pangyayaring ina-acknowledge ng ama ni Kylie ang panliligaw niya rito.
Itinatanggi rin ni Aljur ang sinasabing pagkakamabutihan nila ng kanyang katambal sa My Kontrabida Girl na si Rhian Ramos. Talaga raw malambing ang aktres maski na nung una silang magkasama saIlumina.”
Samantala, parang selebrasyon ang pagkikitang muli nina Aljur at Kris Bernal sa Party Pilipinas.Nagkasama rin sila sa isang production number kaya kinailangang magkita sila sa rehearsal.
Masaya naman ang dalawa sa kanilang reunion.
No comments:
Post a Comment