At naka-schedule na ang house warming na isasabay sa kanyang birthday sa March 19.
So invited ba si Enchong Dee sa nasabing house warming na balitang nanliligaw sa kanya?
“Lahat naman po sila invited, lahat ng mga kasamahan ko sa Star Magic,” safe na sagot ni Julia na hindi naisip na magiging ganito kabilis ang arangkada ng career niya after niyang mag-Mara Clara.
Pangarap lang dati niya ang maging artista. Pero sinuwerte siya dahil sinugalan siya at si Kathryn Bernardo ng ABS-CBN sa Mara Clara. Ngayon mas maingay na ang pangalan niya kesa kay Kathryn. “Siguro lang kasi po lumalabas na ang Walang Hanggan kaya mas maingay ang pangalan ko. Pero may ginagawa siya ngayon na once na ipalabas, mas iingay siya,” paliwanag ni Julia.
“Mara Clara was my first big break. After ng Goin’ Bulilit puro gues-tings lang ako noon, and I thought hard kung para sa akin ba talaga ang show business. And then the show came - for me and kay Kathryn. Tapos lahat nagbago na. Minsan hindi pa rin ako makapaniwala na nangyari ‘yun sa akin,” pagkukuwento ni Julia.
At ngayon, na-realize niya na ang pagiging actress ang kanyang calling - “Dati kasi work lang talaga ang tingin ko nung bata pa ako. Pero ngayon na-realize ko na ito ang passion ko. Gusto ko na ‘yung na-e-express ko ang sarili ko sa pag-arte, ‘yung naiintindihan ko na ‘yung pinagdadaanan ng iba through my roles,” sabi niya tungkol sa kanyang career.
Kung sabagay, kung acting ang pag-uusapan, hindi siya nagpapa-iwan sa mga kasama niya sa Walang Hanggan na pawang mga de-kalibreng artista: Coco Martin, Dawn Zulueta, Richard Gomez, Helen Gamboa and Susan Roces.
Ginagampanan niya ang character na mas matanda sa kanyang edad ngayon .
Bukod sa TV, sumabak na rin siya sa pelikula –Way Back Home at ngayon ay nagso-shooting siya para sa summer movie ng Star Cinemana The Reunion opposite Enrique Gil, Jessy Mendiola and Enchong Dee.
Kasama rin siya sa Star Magic 20th Anniversary US Tour sa Hawaii Waikiki sa March 30.
Pagdating sa endorsement, hindi rin siya nagpapahuli.
Unti-unti na ngang natutupad ni Julia ang kanyang mga pangarap.
Nikki and Iya hindi mahilig sa sosyalan
Hindi pala gimikera as in hindi mahilig sa nightlife ang magkaibigang Nikki Gil at Iya Villania. Imbes na mag-bar sila or makipag-sosyalan, mas type nilang magpunta sa supermarket at mag-work out.
At ito ang rason kaya naman kinuha silang endorser ng Bioessense na pina-ngungunahan ng Bioessense founder and president na si Dr. Emma Guerrero.
“More than anything else, we’re proud of the fact that these ladies are both advocates of a healthy lifestyle.
“Clean living is the very foundation of real and lasting beauty. Science can enhance to a certain degree, but there are no shortcuts to looking good,” sabi ng doktora.
Madaling nakilala si Nikki na nagsimula rin sa isang commercial.
Agad kinabiliban ang galing niya sa pagkanta at galing sa pagho-host. Na-ging regular siya sa MYX, ASAP hanggang sumabak na rin siya sa aktingan sa napapanood ngayong Mundo Man ay Magunaw.
Open naman si Nikki sa relasyon nila ni Billy Crawford na parang nade-delay yata ang pag-alis ng bansa para maging active uli sa career niya sa Europe. Pero ayon kay Nikki nakita na niya ang plane ticket nito at sure na ang alis ng boyfriend sa April 30.
Halos pareho ang kapalaran nila ni Iya. Pareho silang nasa MYX at host ng ASAP pero meron siyang Us Girls at Umagang kay Ganda.
Nauna na siyang ‘umarte’ noon sa primetime drama sa ABS-CBN.
At ngayon, pareho sila aaper sa Bioessence’s new advertising and billboard campaigns.
-PSN
No comments:
Post a Comment