Wednesday, March 7, 2012

Paglipat sa Dos, gimik lang, Carla Abellana pipirma na uli ng kontrata sa GMA 7!

Confirmed na hindi lalayas sa GMA 7 si Carla Abellana. Ngayong araw siya naka-schedule pumir­ma ng renewal ng kontrata sa Kapuso Network.

Matagal pinag-usapan ang tungkol sa umano’y paglayas niya sa ‘nagpalaki’ sa kanyang network dahil may offer daw ang ABS-CBN na agad namang itinanggi ng ilang taga-Kapamilya Network. Wala raw silang offer kay Carla. Kaya pinagdudahan siya na gumigimik lang para magpa-increase ng talent fee sa GMA 7.

Pero ngayong hapon, wala nang makakapigil, magre-renew na siya ng kontrata.

-PSN

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...