Wednesday, March 7, 2012

Matteo Guidicelli, tatakbo para sa mga iskolar!

Pangungunahan ng aktor na si Matteo Guidicelli ang libu-libong tatakbo sa ikalawang taunang DZMM Takbo Para sa Karunungan sa March 11, Linggo, 4:00 a.m. assembly time, sa Quirino Grandstand para makatulong sa pagbibigay ng magandang kinabukasan sa mga iskolar na nasalanta ng bagyong Sendong at Ondoy.

Hindi rin magpapahuli ang ilang DZMM anchors na sina Gerry Baja, Freddie Webb, Vic Lima at Cory Quirino na lalahok sa fun run na isa­sa­­gawa para makalikom ng pondo para sa mga mag-aaral mula sa mga tinamaan ng bagyong Sendong sa Cagayan de Oro at Iligan.

Ipagpapatuloy ng DZMM ang temang pang-edukasyon ng fun run ng nakaraang taon, kung saan nakatanggap ng scholarship ang 25 na estudyanteng nasalanta ng bagyong Ondoy.

Ngayong taon, 25 na estudyante naman mula sa Cagayan de Oro at 25 mula sa Iligan ang matutulungan ng fun run. Mapupunta rin ang ilang bahagi ng pondo sa pagpapatuloy ng pag-aaral ng mga napiling iskolar noong nakaraang taon.

Sinimulan ng DZMM ang ganitong klaseng programa noong 1999 nang ilun­sad nito ang DZMM Takbo para sa Kalikasan. Ang taunang takbong ito, na isinagawa hanggang 2010, ay nakapaglikom ng pondo para sa mga proyektong pangkalikasan katulad ng rehabilitasyon ng La Mesa watershed at Pasig Rehabilitation Project sa pakikipagtulu­ngan ng Bantay Kalikasan ng ABS-CBN Foundation.

-PSN

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...