Thursday, March 22, 2012

Sharon Cuneta hits Twitter bashers!

Nabulabog ang Twitter world nang umalma na si Megastar Sharon Cuneta sa mga negatibong komento laban sa kanya gamit ang nasabing microblogging site.

Mula pa noong nakaraang linggo ay wala nang tigil ang aktres sa pagdepensa sa mga panirang-puri laban sa kanya at sa anak na si KC Concepcion. Maliban sa pagyurak sa kanyang pagkatao, ikinagalit ni Sharon ang isyung "abortionista" sila ni KC.

“Akusahan kayo ng anak mong abortionista tapos huwag ko patulan? Ano hahayaan ko pang ikalat nila? Sobra mga ‘yan. Mga bastos at walang modo. Dudumi ng bibig at pagkatao. Gawain siguro nila,” ani Sharon.

Suspetsa ni Sharon, die-hard fans ng aktor na si Piolo Pascual, dating nobyo ni KC ang mga basher niya sa Twitter.

“Kung hindi Kapamilya die-hard, maka-Piolo lang. Wala namang galit sa amin na ibang tao,” sabi ni Mega sa isa niyang follower. Dahil sa sama ng loob, halos ibunyag na ni Sharon ang dahilan ng hiwalayan ni KC at Piolo. “Since you won't stop bashing me and my daughter and it's all the same to you -- maybe it's time I talk and tell the whole REAL story. Okay? Tutal pareho lang eh. Tahimik kami bash kayo ng bash. Eh di kami naman kaya!"

Sa mga tweet ni Megastar, inilabas din nito ang sama ng loob dahil sa hindi pag-depensa ng binatang aktor sa lahat ng banat kay KC ng kanyang mga fans.

“KC never did anything to hurt him. He hurt her. And yes, we KNOW his fans are bashing her. We never start, we just react. Be careful. Nananahimik pa kami sa lagay na yan. Tama na kasi we should all just move on.”

“He can't say anything about KC [because] he has nothing he can say. He's a ‘gentleman’ for his image, not necessarily [because] he doesn't want to hurt anybody. Let's be honest and fair here. If no one bashes us, we couldn't care less about his life [because] we've moved on. Kawawa naman ang anak ko. ‘Di nga nagsasalita siPiolo, but his army of bashers do all the dirty work for him. We're not bad people. But neither are we stupid."

Sa loob nang dalawang araw, pansamantalang nanahimik si Sharon sa Twitter, pero nitong Miyerkules ng gabi, muling nag-tweet si Sharon. Aniya, bumalik siya sa Twitter para sundin ang pangako niya sa Diyos na magti-tweet siya ng Bible verses.

Ilang artista naman tulad nila Robin Padilla at Judy Ann Santos ang dumipensa din kay Sharon at nakiusap na huwag gamitin ang Twitter para makapanira ng tao.

-push

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...