Sunday, March 4, 2012

Gerald Anderson naging 'Budoy' na sa totoong buhay!

Maraming pinahanga si Gerald Anderson sa makatotohanang pagganap sa Budoy. Sabi nga ni Tirso Cruz III, na gumaganap na tatay nito sa teleserye, malaki ang ipinagbago ng young actor sa akting.

Talagang pinaghandaan ni Gerald ang karakter ni Budoy dahil noong nag-US tour ay nag-research pa siya tungkol sa special child at nang dumating sa bansa ay nagtungo ito sa tatlong eskuwelahan na may special education at pinag-aralan ang mga kilos at galaw ng isang special child.

Tinanong namin si Gerald kung hindi ba niya na­da­dala hanggang sa labas ang karakter ni Budoy dahil anim na buwan din niya itong dala-dala sa set.

“Naging epektibo ako sa pag-atake ng role kaya nadadala ko ito minsan, ang mannerism ni Budoy, kapag nagpupunta ako sa mall o kahit nasa loob ng kotse. Sana magkaroon ako ng another project like this someday.’’

-PSN

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...