Tuesday, February 28, 2012

Nadulas, Sarah Geronimo babe na si Gerald Anderson!

Nadulas si Sarah Geronimo sa unang episode ng Sarah G. Live. Babe na pala ang tawag niya kay Ge­rald Anderson.

Ibinuko kasi sa nasabing programa na nag-date sa yacht ang dalawa with matching pahawak-hawak pa ang pop princess sa actor.

So mukhang sila na nga.

Makikipag-tsikahan si Gerald ngayong araw kaya malalaman kung ano na ba talaga ang status ng relasyon nila ni Sarah.

Speaking of Sarah, maraming nag-abang sa kanyang Sarah G. Live last Sunday. Ang suggestion lang ng mga nanood, sana raw mas maraming musical number si Sarah at ‘wag na ‘yung may participation ang audience dahil ginagawa na ‘yun sa Gandang Gabi Vice. Though si AiAi delas Alas naman ang ka-join sa nasabing portion na kasama ang audience.

Pero no doubt na carry ni Sarah na magdala ng sariling show. Mahusay kumanta at sumayaw ang pop princess at plus factor ang ganda niya at kaseksihan niya na-develop lalo yata nang pumasok sa buhay niya si Gerald.

-Salve Asis | Pilipino Star Ngayon

3 comments:

  1. love it..SASAGEGE fan talagah ako..over na toh..grabeh...

    ReplyDelete
  2. Tapos ang lalaki ayaw aminin tsaka ang babae lang etong kilig na kilig sa lalaki at ang mga fans...... Kung ako sayo sarah careet nalang atupagin mo wag yung ka loveteam mo..... Gaganda pa lalo ang career mo.....peace.

    ReplyDelete
  3. ashrald forever.....<3

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...