Saturday, February 25, 2012

Erich Gonzales mag-aaral mag-bake para kay Mario Maurer!

Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Erich Gonzales na magbibida siya sa isang international movie kasama ang Thai heartthrob na si Mario Maurer.

“Hindi pa talaga sa akin nagsi-sink in totally ’yung mga nangyayari ngayon, parang ang bilis-bilis, nandiyan na kaagad. I’m excited but at the same time pressured din talaga. ’Yung kaba sobra, kinakabahan talaga ako pero mas kakabahan ako kung hindi ako kabahan ’di ba? Iba naman ’yung ganun kung walang feelings, parang walang pakialam,” pagtatapat ni Erich.

Sobrang excited din ng dalaga dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na makagagawa siya ng pelikula sa ibang bansa.

“It’s not my first time sa Bangkok dahil pumupunta ako dun for pictorials and other shoots. To work there for a movie, this is my first time. I’m very excited dahil I know for a fact na this is a big project talaga and I’m very thankful to Star Cinema dahil binigyan nila ako ng ganitong pagkakataon. I’m just excited and at the same time ’yung pressure nila napi-feel ko na siya ngayon pa lang. So I’m really hoping na suportahan ng mga tao ’yung movie na gagawin namin ni Mario,” pahayag ni Erich.

Proud na proud din ang aktres sa pelikulang gagawin nila ni Mario dahil talaga namang maganda ang istorya nito. Kinakailangan ding kumuha ang dalaga ng baking lessons bilang paghahanda sa kanyang role sa pelikula. 

-philstar

2 comments:

  1. excited kami para kay Erich Gonzales.international movie with Mario Maurer hindi sila nagkamali ng pagpili kay Erich dahil napakagaling talaga ng batang ito pagdating sa acting,high caliber si Erich kahit ano mang role nabibigyan niya ng buhay super galing na artista hindi nakakasawang panoorin ang mga teleserye at pelikula niya.above all things napakagandang artista.

    ReplyDelete
  2. excited kami para kay Erich Gonzales.international movie with Mario Maurer hindi sila nagkamali ng pagpili kay Erich dahil napakagaling talaga ng batang ito pagdating sa acting,high caliber si Erich kahit ano mang role nabibigyan niya ng buhay super galing na artista hindi nakakasawang panoorin ang mga teleserye at pelikula niya.above all things napakagandang artista.

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...