Wednesday, February 22, 2012

Carmina Villaroel nililigawan ni Zaijian Jaranilla!

Hindi naman first time ng ABS-CBN na magpalabas ng isang love story sa pagitan ng dalawang tao na magkalayo ang edad. Ang tawag nga dito ng marami ay May-December affair na ang kadalasang may edad ay ang lalaki.

Bibihirang maging mas matanda ang babae na kahit sa tunay na buhay ay napakarami na nating nasaksihang mga relasyon na ang babae ay mga 10 taon ang katandaan sa kanyang asawa, at, fortunately, successful ang kanilang pagsasama.

Pero iba ang love story na pagbibidahan ni Zaijian Jaranilla sa bagong teleserye ng ABS-CBN na pinamagatang Lorenzo’s Time. Isa siyang kabataan na may edad 11 taon na nanliligaw sa isang babae na hindi lamang tatlong ulit ang tanda sa kanya kundi may anak na rin. Ito ay ginagampanan naman ni Carmina Villaroel na excited sa kakaibang role na ipinagkaloob sa kanya ng Kapamilya Network.

Magkababata sila ni Zaijian sa kuwento. Nagkasakit ito at hindi nakasabay sa paglaki nila. Nag-asawa sila ni Diether Ocampo at nagkaanak pero iniwan siya nito. Pagbabalik ni Zaijian ay ipo-pursue siya nito.


“Konti lang ang cast (Gina Pareño, Joel Torre, Amy Austria) pero napaka-heartwarming ng istorya na kapupulutan ng maraming values ng manonood,” panimula ni Carmina.

“Napakagaling ni Zaijian, tuwang-tuwa ako sa kanya. Hindi ko akalain na kakayanin niyang manligaw sa isang ka­tulad ko. Natutulala ako kapag umaarte siyang parang isang matanda. Ang galing! Gusto ko nga siyang ampunin,” dagdag pa ng aktres na bumalik ng ABS-CBN eight years matapos niya itong iwan nung 2003.

Nagulat siya when told na si Zaijian ang makakapareha niya sa series. Nagaangan siyang kasama ito.



“He’s friendly, approachable, at napaka-propesyonal para sa isang bata,” papuri ng aktres sa sikat na child star.


Kahit well rested si Zaijian dahil isang buwan siyang nagpahinga matapos ang pinakahuli niyang teleserye, angIkaw ang Pag-ibig, pinagmukha itong may sakit sa set ng kanyang seryeng Lorenzo’s Time na kung saan ang kaeksena niya ay ang mag-inang Gina at Raquel Pareño, gumaganap ng mga yaya niya sa teleserye.

Si Gina ay dati ring kababata na naiwan siya nang tumanda ito.

Kumpara sa kanyang role sa Lorenzo’s Time, malaki na si Zaijian. Excited siya sa kanyang bagong role dahil first time niyang mag-portray ng isang mayaman.

Pati mga gamit niya ay pang-mayaman na mula sapatos hanggang damit.


-philstar

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...