Tuesday, February 28, 2012

Broken Vow pumalo sa ratings!

Naging mataas ang rating ng Broken Vow ng GMA Network.

Hindi lang sa Luzon at Mega Manila patok na patok sa mga manonood ang orihinal na drama series kundi pati na rin sa mga lunsod sa buong bansa.

Ito ang sinasabi sa datos ng Nielsen TV Audience Measurement.

Batay sa average household data sa National Urban Philippines mula Pebrero 6 hanggang Pebrero 17, ang programa ay nakapagrehistro ng 38.3 share points. Ito ang bumubuo sa 77 porsiyento ng kabuuang television household sa buong bansa.

Patuloy ang pamamayagpag ng Broken Vow sa Mega Manila na bumubuo sa 56 porsiyento ng kabuuang television household sa buong bansa.

Nasa direksyon ni Gil Tejada Jr. ang Broken Vow na nagpakilala sa bagong tanden nina Luis Alandy-Bianca King at Gabby Eigenmann-Rochelle Pa­ngilinan.


-pilipino star ngayon

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...