Wednesday, February 15, 2012

Manager Shirley Kuan speaks up the about alleged Carmina Villaroel walkout



by: Krissa Donida

Nagsalita na nga ang manager ni Carmina Villaroel na si Shirley Kuan sa mga isinulat ni Dolly Anne Carvajal sa kanyang column tungkol sa diumanong pagwawalk-out ni Carmina sa commercial shoot nila dahil sa mga “demands” ni Claudine Barretto. Noong una’y okay pa si Carmina sa mga demands nito pero nang hilingin nito na mapunta sa kanya ang mas mahabang linya sa commercial yun na nga daw ang hindi natiis ni Mina at nag-walk out na ito.

Una na itong pinabulaanan ni Carmina at sinabing never siyang nag-walk out sa kahit na anong commitments at engagements niya. At ang pagsasama nga daw nila ni Claudine sa isang commercial na naganap tatlong taon na ang nakalilipas ay maayos naman daw sila ni Claudine.

Pinaninidigan ni Dolly Anne ang kanyang artikulo na nahantong sa pagsusulat ng ad agency ng milk product kay Dolly Anne na nagsasabing walang naganap na ganoong insidente. Ayon pa sa host/columnist, “To the people behind Lactum; Sorry I’m lactose intolerant. Go ahead and milk the issue for all it’s worth.”
 
Ayon naman kay Shirley Kuan, “Well she refuses to tell the truth and was accusing us of telling us to go ahead and milk it. Who’s milking it? She writes the articles, tatlong beses niyang sinulat so its our first time to talk, actually this is my first time.”

Dagdag pa ng manager, “It was a very negative article for Claudine and also the headline that Carmina walked out is also not very good and also the product involved was my client and I would like to protect my client as well as the artist. Kasi yung kliyente sobra sobra sila magmahal sa kanilang mga endorsers, even up to now na iba na ang endorsers. Sobra ang asikaso na ginawa nila sa mga artista at sa aming mga managers tapos ganito ang mangyayari. In fact, they asked na huwag na lang sila i-mention for today parang ayaw na nila but then sa akin sabihin natin ang totoo.”

Hindi na rin napigilan ng manager na ilabas ang sama ng loob at galit sa mga pangyayari dahil sa isinulat ni Dolly Anne. “Very sarcastic yung article niya, kinorrect na nga siya sarcastic pa siya to the Lactum people na, ‘I’m lactose-intolerant, you can milk this for what its worth.’ Well Dolly Anne, we surely understand you’re lactose intolerant because obviously milk does not mix well with alcohol.” Matataandaang may issue noon si Dolly Anne sa pagiging alcoholic.

At nang kunin ang reaksiyon ni Carmina sa pagsasalita ng kanyang manager, nagulat siya na nagpa-presscon ang manager dahil never naman daw talaga itong nagsasalita sa mga issue pero dahil sa nangyari kinailangan na talaga nitong nagsalita. Sana lang naman daw ay nag-check talaga ng mga facts si Dolly Anne dahil tatlong taon na nga ng huling silang nagsama ni Claudine sa isang commercial at for the record e wala naman silang ginagawang commercial sa kasalukuyan.

At nang tanungin si Shirley kung nakausap na ba niya si Dolly Anne sa mga nangyari, “I don’t need to because the ad agency already corrected her kasi hindi naman namin gusto palakihin. We just want it to correct [it pero]ayaw niya nga ma-correct. And then I realized she is not big enough to accept her mistakes so grow up. As I said, a lie that goes uncorrected soon becomes the truth so I cannot let that go.”
-push

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...