Monday, February 27, 2012

Marian may inaway daw na gwardiya dahil sa parking?

Tila hindi pa rin tinatantanan ng mga issue ng kamalditahan itong si Marian Rivera.
May nasulat kasi na tinalak-talakan niya ang isang guard nang hindi siya makakuha ng space for parking. Talaga raw hindi niya tinantanan ang guwardya dahil lamang hindi siya makapag-park. Ayon pa sa tsismis, mabuti na lamang daw at kasama ni Marian ang boyfriend niyang si Dingdong Dantes na siya raw humingi ng dispensa sa inasal ng kanyang girlfriend. At meron pang dagdag na tsika. May isang lady fan daw kasi ang gustong magpa-picture sa aktres pero dahil wala na sa mood ay bigla raw itong tinalikuran ni Marianita.

True nga ba ang mga itetch, Darnita? Well, mukhang hindi na nga yata matatapos ang kamalditahang issue kay Marian.

Parami nang parami ang kuwentong ganito sa kanya pero tila deadma lang ang aktres. Siguro feeling niya, “Why will I have to dignify such trash?” kung hindi nga naman totoo, di ba? Tamang attitude – kung hindi nga naman totoo, dedmahin na lang.

-Bandera

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...