Tuesday, February 28, 2012

Yul Servo, happy bilang ‘kept man’!

Ang laki nang pasasalamat ni Manila councilor Yul Servo na hindi sabay ang taping niya ng Biri­tera sa session nila dahil kung nagkataon, hindi niya matatanggap ang family drama ng GMA 7. As it is, M-W-F ang taping niya at T-TH ang session, ’yun nga lang, kahit puyat sa magdamagang taping, diretso siya sa session kinabukasan.


Hindi siya nagrereklamo kahit abutin ng mada­ling-araw ang taping at kahit late at puyat na siya, naka-smile pa rin siya. Para hindi ma-bore, nakikipagtsikahan siya kina Rich Asuncion, Angelika dela Cruz, at sa iba pa.

Hinihintay ni Yul na tawagin siyang “Jerome,” pangalan niya sa Biritera, at ’pag nangyari ’yun ang ibig sabihin ay sikat na siya. Happy siya sa role niya bilang BF ni Rich at kept man ng matrona na gina­gampanan ni Dexter Doria.

-Nitz Miralles

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...