Wednesday, February 22, 2012

Oyo Sotto nag-emote, Valiente wala raw promo!

Ano ba ’yan? Kung si JC de Vera hindi ikinatuwa ang move ng TV5 na ilipat ang time slot ng Valiente,iba naman ang isyu ni Oyo Sotto. Nagtanong ito sa Twitter kung bakit hindi napo-promote ng husto ang teleserye nila ni JC.

In fairness sa TV5 at Archangel Media, pino-promote ang Valiente, hindi lang siguro nababasa ni Oyo at nakikita ang print ad nito sa mga diyaryo.

Ayon na rin sa tweet ni Oyo, sa Monday ay lalabas na sila ni JC at mas madodoble ang interes ng viewers.

Nitz Miralles | Pilipino Star Ngayon

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...