Tuesday, February 28, 2012

Aiai delas Alas kinikilatis pa ang bagets na manliligaw!

Hindi talaga maipagkakaila o maitatago ni AiAi delas Alas ang kalagayan ng kanyang puso. Isa siya sa kakaunting babae who were their hearts on their sleeves. Hindi lamang siya blooming, palagi rin siyang nakangiti kahit sa kapaligiran niya ay nakasimangot at nanlulumo ang marami.

Bagama’t ayaw pangalanan ng Concert Come­dy Queen at Box-Office Queen ang katauhan ng kanyang bagong manliligaw, sinabi niyang halos kalahati ng edad niya ang bagong inspirasyon. Isa itong car exec na nakilala niya pagkagaling ng Holy Land. At kahit gustung-gusto niya ang lalaki at ganun din ito sa kanya, nasa stage pa lamang sila ng getting to know each other.

Gusto niyang paniwalaan na ipinagkaloob ito sa kanya ng Diyos makaraan ang kanyang pilgrimage na aniya ay ginawa niya matapos siyang halos patayin ng kanyang asthma.

Makaraang makauwi siya sa kanyang biyahe pa­kiramdam niya ay kaya na niyang iwan ang mun­do, kung gugustuhn Niyang kunin na siya.

Inspired ang komedyante ngayon, hindi lamang dahil sa kanyang bagong inspirasyon. Meron siyang bagong teleserye na magsisimula sa Marso 5 sa ABS-CBN. Ito ang Wako Wako na pagsasamahan nila ni Wenn Deramas. Isa itong fantaserye na kung saan ay gaganap siyang isang diyosa ng kahilingan.

-Veronica R. Samio | pilipino star ngayon

No comments:

Post a Comment

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...