Thursday, February 23, 2012

Jennylyn Mercado nagulat sa isyung engaged na raw sila ni Luis Manzano.

Pinagdiinan nitong wala pa raw talaga sa isip nila ni Luis ang tungkol sa kasal. Basta ini-enjoy lang daw nila ang kanilang relasyon.

Pero mukhang seryoso na talaga sila sa isa’t isa dahil sabi ni Jennylyn, malaki raw ang ibinago niya dahil kay Luis at ganun din naman ang huli.

Nung nakaraang Linggo ay namataang sinundo ni Luis si Jennylyn sa Showbiz Central.

Napaaga raw ito ng dating kaya nasa dressing room lang ito at pinapanood lang ang actress/TV host.

-pilipino star ngayon

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...