Wednesday, February 1, 2012

RICHARD GUTIERREZ, game na rin sa hubaran!


"I-challenge niyo ako,” hamon ni Richard Gutierrez sa creative team ng GMA 7 sa brainstorming nila para sa bago niyang teleserye.

Gusto nga ni Chard na gumawa ng role na hindi pa niya nasusubukang gawin. Handa raw siyang mag-drama, at kalimutan muna ang adventure-fantasy.

Gusto rin ni Chard na makatrabaho ang mahuhusay at mga beteranong artista.

Sabi nga ni Chard, ngayong 28 na siya, handa na siya sa mas matitinding roles, kesehodang daring pa `yon, o offbeat o bida-kontrabida kaya.

May mga hiling din na magsama sila sa pelikula ni Anne Curtis, at makatambal niyang muli sina KC Concepcion at Angel Locsin.

Speaking of KC, na seksing-seksi sa cover ng isang magazine, ayon kay Chard, handa rin siyang magpa-sexy o magpakita ng katawan sa pelikula, kung mabibigyan ng pagkakataon.

“Why not? As I said, I’m now open to all kinds of roles.”
Pero, sobrang excited na rin si Chard sa finale ng Survivor Philippines: Celebrity Doubles Showdown na magaganap sa Feb. 10. May mga twists daw na magaganap sa finale.

Siyanga pala, kapipirma lang ni Chard, kasama ang mga kapatid na sina Raymond at Ruffa Gutierrez, sa Viva, na hahawak sa mga endorsements nila.

-Dondon Sermino / abante.com

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...