Monday, February 27, 2012

Marian Rivera tutuhugin lahat ng trabaho next year!

Hindi pala agad naniwala si Marian Rivera na kasali siya at No. 9 pa sa Top 10 International Beauties of 2012, kaya hindi agad nag-react. Masaya ito sa panibagong karangalang ibinigay sa kanya at pareho na sila ni Dingdong Dantes na isa sa 2008 Sexiest Man ng E!

Pati nga sina Rhian Ramos, Ynna Asistio, at Liz Uy, gandang-ganda kay Marian. Nakakatuwa ang tweet ng huli na bagay kay Marian ang sabihing “ganda lang” dahil kahit walang makeup at borloloy sa mukha, lumalabas pa rin ang ganda.

Samantala, ’wag magugulat ang fans ni Marian kung sunud-sunod na projects ang gawin nito next year. Binigyan nito ng pahintulot ang manager niyang si Popoy Caritativo na pagurin siya by accepting more projects. Nasanay na ang katawan ng aktres sa heavy work sa Amaya kaya kahit mabibigat din ang eksena sa My Beloved ay magaan pa rin kumpara sa hirap niya sa Amaya.

Written by Nitz Miralles | Pilipino Star Ngayon

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...