Sunday, February 26, 2012

Paano na-maintain ng ABS-CBN ang pagiging benchmark sa industriya?

TINANONG ni Bossing DMB ang isa sa pinakamatitinik na utak sa ABS-CBN na si Enrico Santos kung paano nami-maintain ng ABS-CBN ang kanilang pagiging benchmark o standard sa local TV industry.

“Ang nakikita kong napakagandang legacy nina Ma’am Charo (Santos-Concio) and Gabby Lopez is that they made a very wild and bully jungle of show business…both showbiz and corporate. We look like this, pero alam mo, pagpasok mo sa opisina, there are seminars, there are conferences, there are planning sessions, there are brand management sessions, imaging sessions. Sometimes I teach, sometimes I listen, and learned, sometimes we sit and brainstorm for weeks.

“Hindi ito bara-bara na `papatawag ka ni Bossing `tapos sasabihin gawin mo to, gawin mo `yan, hindi!

“I’m sure you know naman na every November we meet for mga 12 days in Baguio na walang lalabas, patay ang cellphones. Alam n’yo `yun, di ba? All year (round), like next week, meron kaming branding naman,“ pagtatapat ni Enrico.

Tinanong din ni Bossing DMB si Enrico kung paano nagamot ng ABSCBN ang pagkakaagaw ng GMA­7 GMA­ sa Mega Manila ratings.

Hanggang ngayon naman, “Hanggang ganyan pa rin. Siyempre, it was a no? Paano nga ba? It’s team effort, `no? It’ so complicated to answer.

But the easiest answer is “But whenever something like that happens, `pagka napapayuko ka sa trabaho mo at napapalingon ka ay nakakalimutan mong tingnan ang tao mong pinagsisilbihan.

At that time (nang maagaw “At ng GMA-7 ang Mega Manila sa ABS-CBN), nagbago `yung yung CDE (market), `yung yung strata nagbago, gumalaw, hindi namin napansin. Medyo sumobra kami (ng tumbok sa taste ng audience) kaya ibinaba (iminuwestra ng kamay). Kung napansin ninyo, biglang nagka-Yagit (programa), ginalaw naming pababa (para maabot ang masa).

“Ang daling sabihin na ganito pero teknikal na teknikal. `Tapos nagWillie (show), hindi na game show na Kris Aquino na game na game, iba na, umiiyak ka na, nanay mo, anak mo, drama na, in-adjust `yun.“

Kaya raw naformulate ang mga programang madaling mailalapit sa masa.
“Malayong istorya, ha? Noong nagsimula ang anime, sabi namin, wala kaming pambata, ang Dragonball Z laging panalo and beside may new generation. Heto na ang teens namin na bata pa noon, sina Shaina Magdayao, John Prats, katatapos lang ng Gimik at naiiwan `yung mga bata, walang anime, so gumawa kami ng pambatang shows like Lastikman noon, Super Inggo, Kung Fu Kids, Dyosa, Krystalla. May mga nag-hit, may mga hindi nag-hit.

“Ang next step, kapag mahal ang budget, mahal ang effects, is to find a pambatang show na mas mura-mura and to be honest, the idea came from Ma’am Charo… why not Marcelino (Pan Y Vino) na pambata? And that started a trend like May Bukas Pa.

“So, it’s a long process. First there was anime, then there was fantaserye, at nang makuha mo na ang mga bata, work for something na ibang-iba naman. Right now, sustain naman,“ kuwento ni ECS.

-onlinebalita

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...