Saturday, February 25, 2012

Pamilya ni Daiana Menezez sa Brazil, mayaman!

Maganda ang pasok ang 2012 sa Brazilian model at Eat Bulaga! junior host na si Daiana Menezes kaya naman inspirado siya sa pagtatrabaho. Isa sa blessing na dumating sa kanya ay ang pagiging endorser ng isang brand ng biscuit at meron pang ibang naka-line up na TV commercials na gagawin niya.

Last year kasi, naging malaking problema ang nangyari sa kanya dahil sa problema niya sa Bureau of Internal Revenue. Palibhasa masyado niyang ipinagkatiwala ang kinikita sa dating manager, kaya naman nakasuhan siya ng hindi pagpa-file ng income tax! Idagdag pa riyan nang masunog ng kanyang condo at ang masalimuot na pinasok niyang pag-ibig!

Pero sa awa ng Diyos, nalampasan na ni Daiana ang problema niya sa BIR. Nabayaran na niya ang utang niya rito at napaayos na rin naman niya ang kanyang tinitirhang condo. Nakipagkalas na rin siya sa kanyang boyfriend at napuntahan sa Brazil ang lolo na may sakit nu’ng Christmas. Loveless but still beautiful ang drama ni Brazilian ngayon 2012.

Pero kahit nananahimik at patuloy na nagsusumikap sa trabaho, ayaw pa ring tantanan ng intriga si Daiana. Naghihirap daw ang pamilya nito sa Brazil kaya naman todo ang pagbabanat niya ng buto sa Pilipinas!

Lingid sa kaalaman ng marami, galing sa marangya at magandang pamil­ya si Daiana sa Brazil. Bukod sa nakapagtapos siya ng fashion design sa isang private university sa Brazil, meron silang business ng kanyang daddy na si Helio Menezes. Pito ang branch ng kanilang Soul Shoes store sa kanyang bansang sinilangan.

Pinagawan din si Daiana ng rest house ng kanyang daddy na merong swimming pool at soccer field dahil love niya ang football. Kung gusto ninyong makita ang rest house ni Daina sa Brazil, heto ang link –http://www.youtube.cpm/watch?v=32ULKziLyk0 (or i-search lang na Daiana Menezes Brazil) at makikita na ninyo ang bonggang rest house ng sexy TV host.

Take note also na meron silang place sa Brazil na pag-aari ng kanyang lolo at lola na tinatawag na Menezes. Ito ay ang kanilang family town, gaya ng “Araneta” dito sa atin. Ang lokasyon nito ay sa Cataguases, Mina Gerais-Brasil with an “S.” Ang tawag dito ay Bairro Menezes!

So, kuryente ang mga nasusulat at naglalabasang tsismis kay Daiana na naghihirap at ginagamit lang ang ‘Pinas upang kumita ng pera.

“I’m not here for the money to begin with. Kaya nga I paid my taxes, eh. I’m here because I like and I want and not because I need it,” sabi niya.

Katuwiran pa niya, pagkatapos ng pitong bansa na pinuntahan niya, ‘Pinas ang pinili niyang magtagal.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...