Friday, March 9, 2012

Philip Salvador, balik GMA 7!

Pagkalipas ng matagal na panahon, balik-GMA 7 si Phillip Salvador dahil kasali siya sa cast ngRancho Paradiso.

Sure na ang participation ni Ipe sa coming soon TV series ni Richard Gutierrez dahil sumipot siya sa story conference na ginanap noong Miyerkules sa 17th floor ng GMA Network Center.


Ipinaliwanag kay Ipe at sa ibang cast ang kuwento ng Rancho Paradiso at ang mga papel na kanilang gagampanan.

Thankful si Ipe sa Diyos dahil hindi siya nawawalan ng mga project sa TV.

Nagkaroon siya noon ng TV series sa TV5, napanood si Ipe sa ilang mga show ng ABS-CBN at ngayon, balik-Kapuso network siya.

Hindi pa kami nagkakausap ni Ipe pero knowing him, paulit-ulit ang kanyang pasasalamat kay God dahil sa patuloy na pagdating ng mga blessing.

-philstar

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...