Thursday, March 1, 2012

Akting ni Gerald Anderson sa Budoy inaasahang magkaka-award!

Hindi lamang ang mga co-actors niya kundi maging ang lahat ng manonood ngBudoy ay naniniwalang mananalo ng acting award si Gerald Anderson para sa kanyang portrayal ng isang mentally challenged person sa pinaka-sinusubaybayang teleserye sa ABS-CBN na nasa huling dalawang linggo na ng kanyang pag-ere.

Sa ginanap na Ang Huling Laban presscon ng Budoy, kinakitaan ng mala­bis na kalungkutan sina Tirso Cruz III, Janice de Belen, ZsaZsa Padilla, lalo na si Gerald.

Tumatak sa puso ng sambayanan ang karakter ni Gerald na sa kabila ng kanyang kapansanan ay patuloy ang pagbibigay ng pag-asa at inspirasyon sa mga batang may kapansanan at sa pamilyang nagmamahal sa kanila.


-PSN

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...