Friday, March 9, 2012

Jessica Sanchez wows American Idol judges, survives elimination round!

Lalong lumalakas ngayon ang pag-asa ng mga Pilipino na maaring ang Fil-Mexican na si Jessica Sanchez ang maging kauna-unahang "American Idol(AI)" matapos niyang makalusot sa unang eliminasyon ng Season 11 ng AI nitong Biyernes (Manila time).

Labis ang kasiyahan ni Jessica nang i-anunsiyo na iniligtas siya ng boto ng mga manonood ng AI. Mas lalong umingay ang pangalan ni Jessica ng sa ikalawang pagkakataon ay mapahanga niya at makakuha siya ng standing ovation mula sa hurado ng sikat na American singing show na sila Steven Tyler, Randy Jackson at Jennifer Lopez dahil sa rendition niya ng sikat na awitin ni Whitney Houston na "I Will Always Love You" nitong Miyerkules (US time).

"Let me tell you something. This is one of the hardest songs in the world to sing. You not only are the best vocal of the night, I think you are one of the best singers of this whole competition. Oh my God,” ani Randy.

"You just made 40 million people cry,” ayon naman kay Steven.

Samantala, tila naubusan na ng salitang papuri si Jennifer dahil sa galing ng Pinay singer. “Just, just amazing. I don’t even know what to say. I’m speechless when you did those last three little things, we were right there with you.”

Matatandaang nagsimula ang laban ni Jessica, 16, nang mapahanga niya ang mga hurado sa audition na ginawa sa San Diego nang awitin niya ang "A Natural Woman" na pinasikat ni Aretha Franklin."The Prayer" naman ang kanyang inawit nang makapasok ito sa Top 24 ng kumpetisyon at ang awiting "Love You I Do" naman ni Jennifer Hudson ang nagbigay daan sa kanya para pasok sa Top 13 ng American Idol Season 11.

-push

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...