Tuesday, February 7, 2012

Sandara Park nawiwili sa 'Pinas!



Pinupuri ko itong si Sandara Park dahil talagang mahal niya ang Pilipinas. Binabalik-balikan niya ito, may trabaho man siya o wala, basta makakaya ng kanyang schedule.

Narito uli siya for a short vacation at ang balita na kinunan sila ng kagrupo niya sa 2NE1 sa Albay, Bicol dahil sa isang Koreanovela. Second time na ito ng 2NE1 pero si Sandara o Dara ay nakakailang balik na. Minsan nga nakipag-reunion ito sa mga tulad niyang alumni ng Star Quest.

Hindi itinatago ng Koreana ang pagkagiliw niya sa bansa at ipinagsasabi niya ito online. Kaya maraming kababayan niya ang nararahuyong pumasyal din dito. If only for this, dapat natin siyang pasalamatan.

THAT'S ENTERTAINMENT Ni Master Showman Kuya Germs (Pilipino Star Ngayon)

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...